Monday, November 11, 2002

Kuwentong Panyo

Ikaw pa lang naman ang taong pinaglaba ko ng panyo.
Katatapos pa lang ng PE natin nun. Wala na kayo ng tropa mo, pero kami, nasa kuwarto pa rin. Lumakad ako sa lugar kung saan kayo naupo. At yun. Duon ko nakita yung panyo. Nakatiwangwang sa sahig. Naiwan. Parang iniwan dahil wala nang silbi.

Kinuha ko. Baka kasi burara lang talaga yung may ari. Isinuksok ko yung kulay maroon na panyo sa plastic bag ko ng PE props, at dalian ko rin shang nalimutan. Ang dami ko kasing dala nu’n e.

Mga dalawang araw ko ring hindi pinansin yung panyo. Pero, nung isang gabing dapat matutulog na ako pero iniisip pa rin kita, bumulaga siya sa isip ko. Lagi ka nga palang may panyo, baka sa iyo yun. Dali- dali kong kinalkal yung plastig bag ko ng PE props. Ayan nakuha ko na. Kulay maroon na may puting border. Hatinggabi na ata nu’n, pero nilaban ko ora mismo.

Hindi ko ginamit yung bareta. Hindi ko rin ginamit yung powder para sa washing machine. Ang ginamit ko, bath soap na mild. Baka kasi allergic ka sa mga matatapang na kemikal ng ordinaryong sabon. Hehe. Hindi ko pa nga siguradong iyo yun. Pero kahit na. Masaya pa rin ako dahil may pag uusapan nanaman tayo. Magpapasalamat ka sakin dahil binalik ko yung mamahalin mong panyo, tapos ngingitian mo ko.

* * *

Sabi ng kaklase kong kaklase mo rin, hindi raw tayo bagay. Siguro, inaasar lang niya ako dahil alam niyang crush kita. Sana nga. Pero ayun, hindi raw tayo bagay dahil mashado daw tayong pareho. Mirror- image daw. Parehong mahilig sa maingay na kanta, parehong mahilig mag drawing, parehong madaling araw na kung matulog. Hindi raw OK ang dalawang taong ganun. Pangit. Opposites attract, diba?

Naalala ko tuloy nung bago pa lang yung Weakest Link sa TV. Tuwing palabas yun, pinapanood natin tapos pinagti- tripan natin yung mga contestants na nauutal- utal. Iti- text ko yung pang- asar kong comment, tapos dadaigin mo. Ang galing mong manlait! Ang dami kong natutunan sa’yo!

Tapos, tapos na ang Weakest Link pero magkatext pa rin tayo. Kinukwentohan mo ko tungkol sa mga nabasa mong libro, tapos ako, kukwentohan kita tungkol sa mga pelikulang napanood ko. Astig. May isang gabi nga e, inumaga tayo. Pinasok ka na ng ermat mo sa kuwarto’t pinagalitan. Wala lang. Care Bears at He- Man lang naman ang pinag- “uusapan” natin. Minsan naman, pag bad mood ka, kukwentuhan mo ko tungkol sa heaven and hell at sa ultimate good and evil. Ang bigat pero oks lang. Ikaw naman yun, e.

Pero dati yun. Luma na Weakest Link ngayon e, si Allan K na nga ang host. Hindi ka na nagrereply sa mga text ko dahil, ewan. Siguro nagtitipid ka.

May isang beses nga, hindi mo ako pinansin ng mga isang linggo. E di muntikan na akong masiraan ng ulo. Inemail kita. Wala pa rin. Tatlo pang araw ang inintay ko (ang lupit mo, magkaklase tayo pero isa’t kalahating linggo mo kong hindi pinansin!). Sa wakas! Nagreply ka! Wow, abot tenga ang ngiti ko, ang haba kasi ng reply mo! Kuwento ka ng kuwento tungkol sa kung anu ano, yung teacher mong ayaw kang bigyan ng grade, yung maid niyong mahilig mang himasok sa buhay mo at yung mga taong nakakasira ng “diskarte” mo.

Sana hindi ako yun.

Masaya. Magka email na tayo. Wala namang pinagkaiba sa text dahil hindi pa rin kita makita’t marinig at madalang ka ring magreply. Pero, oks lang uli. It’s another way to your heart naman.

* * *

Inemail mo ako nung isang araw. Sabi mo kanta. Sabi mo death metal. Sabi mo mag eenjoy ako.

Hindi ko pinakinggan agad- agad. Ilang buwan na rin kasi tayong hindi nag tetext, sa mga buwan na yun sinubukan kong kalimutan ka. Sabi kasi nung mgakaibigan ko, puro gulo’t sakit ng ulo lang daw ang dala mo. Oo nga naman. Mahigit kumulang isang taon kong pinagnilay- nilayan ang mga posibilidad sa’ting dalawa. Isang lalaki, isang babae, secret friends sila. Magkasundo naman tayo diba? Sa email. Bagay naman tayo diba? Sa text.

Siyempre, hindi ko rin natiis. Nasa internet café nga ako nung pinakinggan ko yung kanta. Inintay ko yung sigaw na pambungad, o di kaya’y yung kalabog ng drums. Wala. Biglang may lumabas na graphics. Angel, tapos pusong tumitibok- tibok.

“You’re my honeybunch, my sweet cake…You’re my sweety pie… the apple of my eye.”

Paulit- ulit lang. Paulit- ulit lang. Paulit- ulit.

Walang sumigaw ng “oi- oi- oi”. Wala ding “pow- hu- hu- pow”.

* * *

Umiyak ako sa MRT. Konti lang naman. Bigla kasi akong naguluhan e, nagulat. Posible ba? Gayong, mahigit kuulang isang taon kong sinabihan ang sarili ko na huwag akong umasa. Baka naman gawa gawa lang ‘to ng isip kong sabik sa’yo? Hmmm… pwede. So nagdrama ako ng konti pa.

Tinext kita nung gabing ‘yon. Napakinggan ko na yung kanta. Astig. Paki explain (pa simple pa ako).

Himala, nag reply ka. “Harkhark. Tuwang- tuwa talaga ako jan. Hebi metal daw ano? Hahaha. Ano ieexplain?”

Saka ko natutunan na lahat ng ginagawa mo ay dapat kong intindihin ng face value lang. Harkhark. Ano nga naman ba ang kelangan mong iexplain? Joke diba? Mag- eenjoy ako! Ang labo ko nga naman.

Buti na lang nagpasimple ako. Madaling lusutan. “Ah. Kasi hindi ko na tinapos. Akala ko may hebi metal talaga sa dulo.”

Gago.

Nagdrama pa’ko ng konti pagtapos no’n. Sabi ko na nga ba e, imposible. Bakit pa kasi ako umasa- asa at the last minute? Ilang bese mo na ba ginawa yan dati? Ilang beses ka na bang nagtext ng pasaring at nag email ng tula? Marami. Ano naman ang kinaiba ng baby_song na ipinadala mo? Wala.

Siyempre akala ko naka jackpot ako sa’yo. Akala ko tama lang na inintay kita, na eto na yung senyales na “like” mo rin ako. Kawawawang bata, akala mababaw lang yung tubig, 12 ft. pala. Tumalon, tigok, tanga. Hindi pala marunong lumangoy.

Sabi nga ng ate ko, hayaan na raw kita. Suwerte pa raw ako dahil at least ako babae, mas madaling umiyak at maglabas ng sama ng loob. E ikaw, lalaki, diyahe. Marami raw kayong repressed material sa katawan.

O sige, hahayaan na kita, ako rin naman ang dapat sisihin. Pero gago ka talaga! Medyo masakit yung joke mo ha, hindi nakaaktawa! Pinaglaba pa naman kita ng panyo, ginawan ng reviewer sa history exam natin at pinagtanggol sa lahat ng nagsasabing mukha kang serial killer. Pag nakahanap ka ng katapat mo, iiyak ka rin! Mauubusan ka rin ng panyo.

Pakiusap

Tatlong araw na kaming magkakilala pero hindi ko pa rin lubusang maintindihan kung bakit nagparamdam siya. Sabi niya nagkakilala kami dalawang buwan na ang nakakaraan sa chat. Ako naman tanga, naniwala agad. Pakiramdam ko kasi totoo naman sinasabi niya o kahit hindi man, wala akong pakialam. Chatfriend ko lang naman siya gaya ng iba diyan. Pero ang pinagtataka ko, bakit nagtext siya sakin ng gabing nag-aaway kami (sa text) ng boyfriend ko, si EJ, na tulad niya nakilala ko rin sa chat.

Ang gulo ng buhay ko non. Mahal ko si EJ kung pagmamahal nga yon. Pero kung hindi man, siguro ay dahil gusto ko lang mag-enjoy. Masakit sa ulo ang may boyfriend!
Feeling ko mas madaling humanap ng ‘matinong’ kausap sa chat lalo na pag matiyaga ka lang magbabad sa computer. Hindi naman ako adik at mas lalong hindi ako frustrated na magkaboyfriend! Nagkataon nga lang na kaya kong magtiyaga hanggang 14 oras para makipagusap sa mga taong-pakiramdam-ko-niloloko-ako-pero-para-sakin-okay-lang. Sinasamantala ko ang pagkakataon na wala akong klase. Kahit na may exam, sige chat pa rin.

Napakaformal niya ng magpakilala. Naka full text pa! Feeling ko gentleman siya, kaya naman kahit nag-aaway kami ng boyfriend ko malugod ko pa rin siyang kinausap. Siguro sa tampo ko kay EJ napilitan lang akong itext siya. Pakiramdam ko kasi wala na rin mangyayari sa amin. Hindi ko alam kung kagagahan ang ikwento ko sa kanya ang nangyayari samin ni EJ ng gabing yon, pero naging magaan ang pakiramdam pakatapos non. Sa totoo lang kala ko kaibigan lang siya ni EJ na sinusubukan ako. Kaya naman sabi ko sa kanya nasa gimik lang ako kasama ang mga pinsan ko - na medyo may tama na ako dahil maramirami na rin ang naiinom ko etsetera, etsetera. Pero ang totoo nasa kwarto lang ako – nagmumukmok. Pilit na inaalis ang hinanakit kay EJ. Tangna. Wala rin naman akong magagawa kahit na sumigaw ako. Naisip ko na tumawa. Tumingin ako sa salamin. Nakangiti nga naman ako! Pero mas naawa lang ako sa sarili ko. Sabi ko sa sarili ko na kung nakaya akong ipagpalit ni EJ dahil sa magkalayo kami, dapat kayanin ko rin na kalimutan siya. Tanga ba ako kung tinamaan ako kay EJ, kahit na isang beses pa lang kami nagkikita?

Wala na akong nabalitaan kay EJ pakatapos non…

Dalawang araw na lang bago ang valentine’s. Manhid na ako. Pero nagparamdam na naman siya. Kinabahan ako dahil sa mga walang kwentang naming palitan ng I love you sa text. May kasama pang ‘so much.’ PWE! Pero, pumayag naman akong makipagkita sa kanya kahit na alam kong magulo pa rin sakin ang lahat. That time, parang kami na, pero hello?! tulad ng iba dyan sa text lang din. Hindi naman ako takot makipag-EB. Marami na akong nakilala at wala namang tumakbo sa kanila! February 16 yon. Nagpretend akong nagulat sa white roses na ibinigay niya na may ‘ I love you’ na nakasulat sa isang maliit na pulang karton na tiniklop. Pero bale wala sakin yon. Alam ko tulad rin siya ng iba na naghahanap ng babaeng bibiktimahin. Ilang beses na rin kaming lumabas o nagdate, whatever! Parati niya akong inihahatid sa bahay. Nakilala niya ang mga pinsan ko. Hiniling niya akong tumigil magchat. Hindi ko alam seryoso pala siya. Pero wala pa ring nabago sakin. Ang totoo, mas naging malala pa ko. MALALA. Gusto ko parating may kausap, kahit sino. Nakikipagkita sa iba. Kunwari hindi ko siya kilala at walang nagbabawal sakin.

Nanibago na lng ako kasi naging tahimik siya. Tinanong niya ako kung anong problema pero wala akong maisagot. Natatawa ako. Pero nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Noon lang ako natauhan. Sinabi niya sakin na seryoso siya at handa siyang magsakripisyo para lang magbago ako. Hindi ko alam ang gagawin. Nakiusap akong iwan na lang niya. Tinanong ako kung yon ba talaga ang gusto ko, pero pawang luha lamang ang sagot ko.

Noon ko naramdamang umiyak muli. Hindi dahil sa nasaktan ako kundi dahil alam kong siya lang ang nagpahalaga sakin nang ganon. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako - natatakot na aminin sa sarili ko na hindi ko kayang gantihan ang pagsasakripisyo niya sakin lalo na ang tanggapin na pinaniwalang mahal ko siya. Hindi maitatanggi sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman na habang nagsasalita ay unti unting pumapatak ang mga luhang tila kay tagal na pinigil. Nakiusap siya na mahalin ko. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasang tao dahil hindi ako marunong magmahal at kailangan pang pakiusapan. Sa unang pagkakataon niyakap ko siya. Ramdam ko ang katawan niyang nanghihina na tila sa isang batang iniwan ng ina. Alam kong alam niya kung ano ang ibig sabihin ng yakap na yon at ng mga luhang unti-unting dumampi sa kanyang pisngi…

Hindi siya mahirap mahalin dahil hindi ko rin pinilit ang sarili ko. Manhid lang ako sa nararamdaman ko sa kanya dahil si EJ pa rin ang hinintay ko. Mahal ko na pala siya noon pa.

Sabado na naman. Nakaraan na ang isang linggo at wala akong nabalitaan tungkol sa kanya. Masakit lang, narealize ko siya pala ang ‘ ideal man ’ na hinahanap ko. Ang pagkakaiba nga lang, siya ang lumapit sakin.

Sumariwa sa isipan ko lahat ng nangyari, sabado rin ng nakaraang linggo. Sa oras na yon naalala ko kung pano ang isang lalaki ay nakiusap at umiyak na ako ang dahilan. Masarap sa pakiramdam pero hindi ko lubos maisip.

Makaraan ang ilang oras may nagtext sakin. Lumabas raw ako ng kwarto.

Niyakap ko siya.

Pero di tulad ng dati wala nang nakiusap…

You. Me. Her.

I woke up to a loud ringing noise and realized that it was the blasted phone that was causing this ruckus at an unholy hour. I clicked on my bedside lamp and cracked one eye open to check the clock. It was three in the morning. I picked up the phone, half-knowing I’d hear your voice on the other end of the line. Who else would be calling my line on a time like this?

“Hello?”
“Krissy? Did I wake you?”

I hear your sad, but hopeful voice on the phone. Suddenly, a feeling of warmth spread all throughout my system. Your voice does that. It never fails to amaze me how much you can do with such little effort.

“Hey, Yosh… it’s three in the morning, how could you not wake me up?” I kidded, trying to lighten your mood.

I know why you’re calling again. I know that tone of voice too well. I know you too well.

“I know.” You whisper apologetically. But something else is on your mind. You do not really mean the apology you said, you said it just to fill the emptiness. “We broke up.”

I fought hard to push back the joy that’s bubbling over me. But I know I’ll be hearing more of this thing between you two. My temporary moment of happiness was cut off. Reality sank in. You. Her. When will it end? When will I stop hearing about her? But then again, before her, there were others, and surely, after her, there will be others too. That is, if you even get over her.

There was something about her, I remember you telling me that. Why is it that there’s always something in the girls you’ve liked that isn’t in me? If you combine all the somethings that these girls possess, I will be nothing in comparison.

But isn’t that what I am to you? Nothing? Nothing but your buddy. Your best friend who always sees you through.

Still I respond caringly.

“What happened?”

You take in a deep breath and everything starts flowing out.

She’s been distant lately and you don’t know what’s gotten over her. You tried talking to her but she wouldn’t open up. Things have been different between the two of you. You’re going crazy thinking about what it is you’ve done wrong, and how you could make it up to her. Tonight, you decided to cook her dinner and make her everything she wants. But you ended up fighting over petty things. Things that don’t even matter if you think about it.

I groan. How come the nice guys always end up being the slaves of these women? Can’t you see she can’t love you the way I do? Can’t you see she couldn’t give you the love you deserve? But I shouldn’t be thinking, I should be listening to you while you pour your soul out to me.

You flared up and asked her what she wanted, you were now saying over the phone. She suddenly went quiet and said she wanted her freedom. You felt your world suddenly crash around you. You couldn’t breathe for a moment.

“Do you love her?” I ask, afraid what I will hear might kill me.

“You know I’ve never been in love before. I love her so much. I don’t think I can bear losing her.” Your voice is cracking; I can feel the pain you’re going through. I forget the pain I feel for myself because of the pain I feel for you.

I can almost see you, frustrated, running a hand through your straight hair. Sitting in the dark, clutching to the phone as if it would save you from drowning into your sorrow.

I don’t know what hurts more, the fact that you’re suffering, or the fact that you’re suffering because of her.

Life can be so funny. Life can be so damn funny I want to cry. I want to cry for you and me, and all the things wasted in this world. Wasted because people can’t see clearly.

“It’s okay.” I say, not knowing what else to tell you. There is nothing more I could say or do to make you feel better. It’s unfair when you think of it.

She doesn’t do anything yet she means the world to you. I do everything and I don’t mean a thing to you.

Well, maybe I do. There were times I almost thought I mean more to you than what you let on. There were times I could almost feel you feel it too. Sometimes I thought I could be more than a best friend to you. Obviously, I was wrong.

“I don’t know…” Your voice is dripping with sadness. “I don’t think I can get over her. She was everything I could ever wish for. I love her so much.”

Damn you Yoshi. I whisper through gritted teeth.

Damn you for being so stupid.

Damn you for being so blind.

Damn you. Damn me. Damn.

I’m here. I’m here, can’t you see me? Can’t you feel me? I’m here, you idiot. What is wrong with you?

“Look,” I find myself blurting out. “Why don’t you sleep on it? I still have an exam tomorrow morning; I can’t afford to fail this one just because she couldn’t see how good she’s got it. I’ll talk to you tomorrow, okay?”

I regretted those words the moment they came out of my mouth. I sounded a bit too bitter, a bit too harsh. “I’m sorry” I start to say.

“No.” You cut me off. “I’m sorry for being a pain… it’s just that you’re the only one who understands me. You’re the only one I could turn to, Krissy.”

I feel warmth all over my body again. But this time I shiver. Why do I shiver in the warmth? I hug my blanket closer to my chest. Why won’t your voice give me warmth now?

I look at my window; clouds are starting to cover the moon. Darkness is winning over light. I continued to stare for a while, hoping the clouds would stop, but they didn’t. Soon the moon was entirely covered with dark fluffy clouds. I sigh.

“I know, Yosh.” I barely whisper and put the phone down.

Because I DO know.

I know how it feels to have your world crash around you. I know how it feels to gasp in order to breathe. I know how it feels to love. I know, Yosh. You know why? Because every time I’m with you, I feel all of these. You do these things to me, repeatedly.

Yet I still stay.

Now, as I clutch my blanket, hanging on for dear life, I suddenly realize, maybe I need to stay away from you. You are my life, and you’re killing me. You’re killing me slowly.

Maybe it’s time.




Saturday, November 09, 2002

This was forwarded to me through email...it was just too good not for me to post...

"PARANG MAY KULANG"

nagising nalang ako isang umaga, naramdaman ko parang
>may kulang. kumain ako ng almusal, nakusap ko na lahat ng tao sa bahay,
>pero bakit ganito parang ang bigat ng pakiramdam ko. pumasok ako sa
>trabaho nagiisip parin muntik na nga akong matisod sa kakaisip lang nito.
>tinanong nako ng mga katrabaho ko, ano ba meron sakin bakit ang tamlay ko.
>sabi ko hindi ko alam, di ko maintindihan. alam mo ba yung pakiramdam na
>parang may malaking butas sa sarili mo, tipong merong kilangang makapuno?
>yun ang naramdaman ko nung araw na yun, gusto ko na ngang sumigaw,
>magwala, malay ko ba kung ano lang ito. pero hindi ko ginawa, hindi naman
>dapat. mga bandang tanghali pagkatapos ng tanghalian, tumawag siya, lam mo
>na siya, yung lalaking minahal ko buong buhay ko pero iniwan ako para sa
>ibang tao, wala lang nangamusta lang labas daw kami pagkatapos ng trabaho,
>nagisip ako ng mabuti, kung papayag ako o hindi, naisip ko ano ba namang
>masama, nasa malayo naman nagtatrabaho ang girlfriend niya, parang
>malalaman diba? natapos ang araw sobrang excited ako, sinundo niya ako sa
>trabaho, kumain kami, nagusap, binalik ang nakaraan, sabi ko nalang wag
>nang pagusapan may buhay na siya, masaya narin ako sa buhay ko, kaibigan
>nalang maibibigay ko, ang drama pa nga sabi niya mahal pa daw niya ako,
>kumpara bako sa bago, mas mabait daw ako, mas maintindihin, mas
>understanding, sabi ko nga aba eh bakit mo sakin sinasabi yan, ano ito
>bolahan, natawa lang siya kahit hindi nakakatawa, nainis nga ako di ko
>nalang pinakita, pero kahit na nag usap kami nandun parin yung malaking
>butas nararamdaman ko parin, hanggang sa naisip ko baka kulang lang ako ng
>pagtawag sa kanya, pero hindi naman kse madalas ako tumatawag sa kanya,
>siguro naman kilala niyo na kung sino yun. naglalakad nakami pauwi,
>papunta sa auto niya, nakalimutan ko kahit sandali ang kulang na
>nararamdaman. napatawa pako sa mga biro niya, napalo ko pa nga sa
>kakatawa. biglang nag ring ang cellphone ko, kapatid niya umiiyak, sabi ko
>bakit kasama ko kuya mo, pauwi na kami. bigla siyang natahimik, tinanong ko
> bakit, at dahan dahan niyang sinabi.."pano nangyari yun eh si kuya
>nadisgrasya, na total wreck sasakyan niya..ate patay na siya" nabigla ako
>hindi ko maintindihan pano nangyari na patay na siya eh kasama ko pa, pag
>harap ko sa likod ko..nandun parin sha, ganun parin suot niya pero duguan
>na..napaluha ako, ngumiti lang sha at sinabi na "naramdaman mo na ba yung
>pakiramdam na parang may kulang hindi mo maintindihan kung bakit?" napa 0o
>na lang ako habang patuloy na lumuluha.."papunta ako sayo ngayon, dahil
>gusto kung sabihin na ikaw pala yun, yung kulang sa buhay ko..gusto ko na
>sana pakasal tayo..pero diba sabi ko naman sayo kahit anong mangyari gusto
>ko bago ako mamatay ikaw ang nasa tabi ko" tapos bigla nalang siyang
>nawala..bumigat lalo pakiramdam ko, napa upo ako sa lapag, wala nalang
>akong nagawa kung hindi umiyak..bakit kung kailan lahat ng sinabi niya
>tama sa pandinig ko, hangin nalang ang lahat ng ito...

Thursday, November 07, 2002

will revert to the previous layout muna. will work on the new one, kse i think it sucks pa eh.

....

check out vera's blog though. it has a new layout.

Tuesday, November 05, 2002

ahhhhh having a make-over for this one sure takes a lot of work!

...

Saturday, November 02, 2002

on second hand, i might just change the layout if i become so darn lazy.
sunday already. no layout yet! well, im planning on moving somewhere, and stringing along this blog via FTP. gotta figure how it ALL works first though.

:-)

Monday, October 28, 2002

Sa wakas.

Finally I have a week to catch up on sleep and rest. Dance production is over and thankfully, my hard work paid off. My class won in the best in over all performance runner up. I was glad that my hard work paid off, and my directing skills weren't a waste. Ha.

Now, I will be taking a bit of a breather, and maybe, change my blog's layout. i'm thinking of moving somewhere else, but have yet to find a suitable site.

To all those who have continually been reading my blog, thank you, thank you for your support. when i feel like slipping away to oblivion, you people surprise me with caring words. i am blown away. i realize that somehow, you friends are my energy.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?